Insecurity ni Jed Madela kay Christian Bautista lalong tumitindi!

LALONG lumalala ang isyu na nai-insekyur diumano si Jed Madela kay Christian Bautista mula nang lumipat ito sa Universal Records? How true na mas binibigyan daw ng importansya si Christian kaysa sa kanya? Ang popularidad kasi ng kanta ni Christian ay abot hanggang Indonesia, Singapore. Feeling daw ni Jed ay unfair sa kanya ang Universal lalo’t mas nauna raw siya rito kesa kay Christian. Balak na ba niyang lumipat ng recording company?

Just asking!

-0o0-

AMINADO si Gwen Zamora na napraning siya sa maraming take niya nu’ng gawin niya ang international movie na The Witness na ipalalabas rin sa Singapore, Malaysia at Indonesia. Nu’ng umpisa kasi ay hindi niya kabisado kung ano ang gustong makita ng director sa acting niya.

“I dont want repeated takes kaya napaparaning ako. Metikuloso ‘yung director. Until one day, na-frustrate ako kinausap ko siya. Tinanong ko kung ano’ng klaseng acting ang gusto niya na makita at kailangan niya para hindi rin ako mahirapan at para magtulungan kami,” kuwento niya.

Isa’t kalahating buwang ginawa niya ito sa Jakarta, Indonesia. Wala naman daw siyang experience roon na kinikilan gaya nang napapabalita kay Taylor Kitsch.

“Ang cute ng airport nila parang Resort. May tree, may garden-garden,” kuwento niya.

First time niya sa Indonesia at sili lang daw siya nagkaproblema. “’Yung pagkain nila sobrang anghang. ‘Yung anghang nila grabe. ‘Yung pagkain nila ng lumpia, sili, lumpia, sili. Dun ako nahirapan. Pag super maanghang ang pagkain, kropek na lang kinakain ko,” sey pa niya.

-0o0-

PANGMATAGALAN ang pakikipagrelasyon nina Nikki Gil at Iya Villania. Walong taon nang karelasyon ni Drew Arellano si Iya. Pero wala pa silang balak magpakasal.

Deklara ni Iya, hindi raw kasing-bongga ng relasyon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz, Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang relasyon nila ni Drew, kaya hindi raw masyadong napag-uusapan.

Sina Nikki at Billy Crawford, nagbibilang na rin ang taon ang relasyon. Pero two months silang maghihiwalay. Aalis kasi si Billy ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang international singing career.

“Okey lang sa akin na ituloy niya ang career niya abroad. Supportive ako sa career niya. Basta babalik lang siya,” sey ni Nikki.

Samantala, sina Iya at Nikki ang bagong endorser ng Bioessence. Dr. Emma Guerrero, Bioessence founder and president, proudly welcomes Nikki and Iya to the Bioessence family.

“More than anything else, we’re proud of the fact that these ladies are both advocates of a healthy lifestyle. Clean living is the very foundation of real and lasting beauty. Science can enhance to a certain degree, but there are no shortcuts to looking good,” sabi ni Dr. Guerrero.

“Scandalous!” reaksyon ni Iya.

Pareho ang tinatahak ng career nina Iya at Nikki. Nasa MYX sila at host ng ASAP pero meron siyang Us Girls at Umagang kay Ganda.

At ngayon, pareho silang model sa Bioessence’s new advertising and billboard campaigns.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply