Insidente ng carjacking sa bansa bumaba

IPINAGMALAKI ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang pagbaba ng insidente ng carnapping sa bansa.

Nabatid na 63 porsiyento ang ibinaba ng kaso pagnanakaw ng mga sasakyan nitong nakalipas na Pebrero (2012).

Ayon sa ulat na isinumite ni PNP-HPG Director, P/Chief Supt. Leonardo Espina, kay Robredo, 47 lamang na kaso ng carnapping incident ang iniulat nitong nakalipas na Pebrero 2012.

Ani Robredo, ang pagbaba ay bunga ng anti-carnapping drive ng PNP HPG dahil sa isinagawang checkpoints sa mga pangunahing kalsada, seaports sa Kamaynilaan.

Sinabi pa ni Robredo, ang matagumpay na kampanya ng PNP-HPG nitong mga nakalipas na buwan ay dahil sa pagkakaaresto sa suspek na si Mark Villacrosis ng Radmon Carnapping Group na nag-o-operate sa Zamaboanga del Norte at Sibugay, at siyam na iba pang suspek sa magkahiwalay na operasyon sa bansa.

Si Villacrosis ay nahuli habang dala ang umano’y nakaw na motorsiklo nitong nakaraang Pebrero 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply