Pag-iinspeksyon sa mga pantalan sa Maynila sinimulan ngayon

SINIMULAN na ngayon ng Philippine Coast Guard ang pag-iinspeksyon sa mga pantalan sa Maynila bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bakasyunista sa Semana Santa.

Pinangunahan ni PCG Commandant Vice Admiral Edmund Tan ang pag-iinspeksyon ayon na rin sa mahigpit na direktiba ng Department of Transportaion and Comunications (DOTC) para sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga barko.

Kahapon (Marso 29) ay nagsimula na ring isailalim sa heightened alert status ang lahat ng pantalan sa buong bansa para sa programang “Ligtas Byahe Kwaresma” ng departamento.

Bukod sa pagpapatupad ng Mandatory Pre-Departure Inspection (MPDI) upang maiwasan ang over crowding at overlading sa mga barko ay nagdagdag na rin coast guard personnel, Coast Guard Special Operations Group at K9 dogs na itatalaga sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.

Inalerto na rin ang PCG aircrafts para sa posibleng deployment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply