Isa pang midwife dinukot sa Sulu

DINUKOT ng mga armadong kalalakihan ang isa pang midwife sa Patikul, Sulu kahapon (Lunes, Marso 19).

Ito ang kinumpirma ngayong umaga ni PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Director Chief Supt. Mario Avenido.

Ani Avenido, ang biktimang si Rosalyn Kiram, 54, midwife na nakatalaga sa Patikul Rural Health Unit ay tinangay dakong alas-3:30 ng hapon sa Liang Village. Hindi pa aniya malaman ang motibo at kung sino ang grupong nagkasa ng pagdukot.

Ayon naman kay Sulu Provincial Police director Senior Supt. Antonio Freyra, si Kiram, isang biyuda ay may limang kasama pang Patikul health workers na lulan sa kanilang mobile clinic vehicle na patungo sa Jolo town matapos magsagawa ng kanilang “daily rounds.”

Sa kanilang pagbalik, hinarang ng mga suspek ang kanilang mobile clinic at tinutukan ng baril bago tinangay sa hindi pa malamang direksyon, pahayag ni Freyra.

Matapos ang limang oras, pinalaya ang lima, malaiban kay Kiram.

Ini-report naman agad ng mga kasamaha ni Kiram ang insidente sa lokal na kapulisan na itinawag naman sa Crisis Management Committee para sa kaukulang disposisyon sa pinakahuling pagdukot.

Nagkasa na rin ng hot-pursuit operations ang awtoridad nang malaman sa mga testigo na dinala si Kiram sa Barangay Tugas, sa Patikul.

Si Kiram ang pangalawang midwife na dinukot sa Sulu at ang una ay si Evangeline Taverisma, 57-anyos ng Indanan Rural Health Unit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply