Iwa Moto sobrang atat kay Leandro Munoz!

LONG distance love affair ngayon sina Iwa Moto at Leandro Munoz. Pagkatapos kasi ng taping na fantaserye sa TV5, tumulak agad papuntang America ang aktor dahil may naiwang trabaho roon.

Parehong featured sa nasabing fantasy soap sina Iwa at Leandro. Pero si Leandro ay ka-love team sa soap opera si Arci Muñoz.

Bago pa lang ang relationship nina Iwa at Leandro pero very vocal ang sexy actress na ibang-iba sa nakaraang karelasyon niya ang set-up nila ng aktor. Pasado agad kasi sa kanyang ina si Leandro at magkasundo ang dalawa dahil super bait at totoong tao raw para sa kanya ang aktor.

Tungkol sa rating karelasyon ni Iwa na may apelyidong Ablan, nakapag-uusap na sila nang normal sa ngayon. Hindi na sila nagbabangayan unlike before dahil naka-move on na nga ang sexy actress dahil may bagong karelasyon na ito.

Tungkol sa pag-alis niya sa GMA7, wala na raw siyang kontratang naiwan pa. Bukod pa sa natapos na rin niya ang option sa kontrata sa network.

Basta ngayon daw ay masayang-masaya siya sa buhay niya at iyon ay dahil daw kay Leandro na kahit long distance love affair sila ay magkasundo sila. Aba, nung nasa Star Awards siya, tumawag pa sa kanya ang aktor para magpagising sa madaling araw dahil may trabaho.

000

DI NAKADALO si Solenn Heussaff para tanggapin sa Star Awards for Movies ang tropeo niya bilang Best New Star of the Year sa pagkaganap niya ng mahalagang role sa Temptation Island ng Regal.

May previous commitment si Solenn nang gabing iyon ayon sa manager niyang si Leo Dominguez.

Nasa launching si Solenn ng isang bagong brand ng ice cream (Magnum) sa isang event venue sa Makati. Hindi na umabot ang sexy actress sa Star Awards for Movies awards night. Naipit siya ng event na hindi pa natatapos at malayo rin ang Meralco theatre sa Makati City.

Busy ngayon si Solenn sa soap opera na Legacy ng GMA-7.

000

NASA peligro na mapatalsik sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Renato Corona dahil sa pagkabigo raw niyang ihayag ang kanyang yaman gaya ng iniuutos ng Saligang Batas.

Pero sa pagsisiyasat ng iba’t ibang media, napatunayang halos lahat ng mga mambabatas na naghain ng articles of impeachment laban kay Corona ay hindi rin handang ipakita sa publiko ang kanilang SALN.

Ang mga Senator-judge lamang ang nagpakita ng kahandaang isapubliko ang kanilang yaman, bagaman may ilang detalyeng nakaligtaan ang ilan sa kanila.

Maging ang ilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino na nangako ng Tuwid na Landas, ay di tahasang tapat sa kanilang SALN.

Sa special report ng GMA News TV sa unang anibersaryo ng istasyon, siniyasat kung tapat bang tumatalima sa utos ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang mga nasa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Samahan sina Mike Enriquez, Malou Mangahas at Joseph Morong at alamin kung sino ang tapat at sino ang huwad sa pagsasabi ng kanilang yaman sa “Sa SALN…Tapat Dapat” ngayong Linggo, 8:40 ng gabi sa nangungunang news channel sa bansa, GMA News TV Channel 11.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply