Jail guards sa Ramgen slay trial na-‘wow mali’

MISTULANG nabiktima ng sikat na television show na “wow mali” ang mga nakatalagang jail guard sa pre-trial sa kasong pagpatay kay Ramgen Revilla nang magkaroon ng kalituhan at mapagkamalan nila si Hiro Furuyama bilang si Ryan Pastera na akusado sa pagpatay sa sariling kapatid kanina sa Parañaque City.

Nabatid na inakala ng mga jail guard na nakaalpas si Pastera sa kanyang mga escort nang tuloy-tuloy na lumabas sa sala ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 matapos ang pagmamarka ng mga ebidensiya kaya nagtakbuhan at hinablot ang inaakalang akusado subalit nagulat sila nang matuklasan na si Hiro Furuyama pala ang kanilang inaaresto.

Kanina ay dinala ng mga jail guard sa korte ang mga akusadong sina Ramon Joseph Bautista, Pastera, Michael Nartea, Roy Francis Tolisora, Glaiza Visda at Norwin Dela Cruz na pawang mga akusado sa pagpatay kay Ramgen at malubhang pagkakasugat sa kasintahang si Janelle Manahan matapos itakda ang pre-trial o pagmamarka ng mga ebidensiyang ipiprisinta ng tagausig.

Matapos ang pre-trial, inihain naman ni Atty. Gerry Alberto, abogado ni Furuyama ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Manahan at sa kanyang mga abogadong sina Atty. Argee Guevarra, Resty Mendoza at Luke Espiritu kaugnay sa pagdadawit sa kanyang kliyente sa naturang krimen.

Iginiit ni Atty. Alberto na nagsinungaling si Manahan at inimbento lamang ang mga inihayag na pagdadawit sa mag-asawa matapos sulsulan ng kanyang mga abogado.

Hiindi rin aniya kasama sa imbestigasyon ng pulisya ang kanyang kliyente at misis na si Gail Bautista kaya malinaw na nagsinungaling si Manahan nang idawit sa kaso ang mag-asawa.

Sina Gail at Hiro Furuyama ay isinailalim pa sa preliminary investigation ng piskalya matapos ang pagsusumite nila ng counter affidavit na magpapasinungaling sa akusasyon ni Manahan.

Iginiit pa ni Gail na si Manahan ang target ng suspek at nadamay lamang ang kanyang kapatid na si Ramgen nang protektahan ang kanyang kasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply