Jail officer hinostage ng 175 preso sa Cebu

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) laban sa walong jail officer ng Operation Second Chance sa Cebu City matapos i-hostage ng mga preso ang isa nilang kabaro sa Brgy. Kalunasan.

Lumalabas na isang JO1 officer ang hinostage ng 175 presong mga bagets ng halos tatlong oras sa loob ng kubeta ng kulungan.

Nabatid na nagawang i-hostage ng mga bilanggo ang naturang opisyal dahil sa hindi makataong pagtrato at laging pambubugbog sa kanila.

Matapos ang tatlong oras na negosasyon ay pinalaya rin ng mga preso ang nasabing jail officer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply