Jake Cuenca aborted ang kapuso episode

SUPORTADO ni Jake Cuenca ang mga workshoppers ng Star Magic (batch October 2011 teens and adults) kaya pumayag siya na maging isa sa cast ng indie film nila titled Anino na ipalalabas sa March 19. Kasama rin niya rito sina Dimples Romana, Yeng Constantino, at Jodi Sta. Maria.

“Si Direk Rahyan Carlos (director ng movie), naalala ko noong nasa kabila (GMA-7) pa ako, doon din ako nagsi-mula as a workshopper. That time, may special project din na ginawa si Direk Rahyan kung saan ang ka-partner ko naman noon ay si Chynna Ortaleza. Parang first time ko yun na matikman na maging bida dahil kay Direk Rahyan.

Kaya noong inalok sa akin ni Mr. M ‘to, sobrang na-appreciate ko rin ang passion ng workshoppers, kasi nga, I myself am a workshopper.

Bukod dito, nagti-taping din si Jake ng Kung Ako’y Iiwan Mo, ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na pinag tatambalan nila ni Shaina Magdayao na karamihan ng eksena ay kinunan sa Doha, Qatar.

“I’m so proud of her,” sey niya kay Shaina.

“Finally, she’s a woman. Hindi na siya yung Shaina na we all know noong bata. Ibang-iba na siya. Feeling ko, magugulat talaga kayo kung paano siya naging palaban at kung paano rin niya sineryoso ang mga intimate scenes namin.”

Samantala, tuwang-tuwa si Jake sa natanggap niyang nominasyon sa Star Awards for Movies bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang In The Name of Love na gaganapin sa March 14 sa Meralco Theater.

“Sobrang special sa akin ng nomination na ito kasi first nomination ko sa PMPC. First time kong  ma-nominate.”

Umaasa ba siyang mananalo?

“Nagdarasal ako. Kasi, kahit anong mangyari, yung mga kasama ko… yung ibang nominees, sobrang mga idol ko yun. Like Tirso Cruz III, Phillip Salvador… Lalo na si Kuya Ipe (Phillip), yun talaga, I pegged myself to him. Idol ko talaga siya. ‘Yung mga nagawa niyang pelikula nu’ng araw gusto ko talaga i-revive lang Jaguar. At saka si Dennis Trillo rin, nominee rin, best friend ko. Tight [competition], pero magdarasal ako. I really pray, sana,” sey pa niya.

Tinanong din sa kanya ang ex-girlfriend niyang si Melissa  Ricks. Bakit hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin siya ni nito? Huling pagkikita raw nila ay sa ASAP.

“Yung nangyari sa amin sa ASAP, for me naman… like I’ve said, sana one day we’ll become friends. When she’s ready, I’ll be there to be her friend.

“Actually, medyo nagtampo ako sa ASAP talaga.
Like what I said in one interview, kung magkakaayos kami, siguro we’ll do it on our time. Hindi porke’t nasa live TV kami, maaayos na ang problema namin. No. Obviously, she’s not ready and huwag na nating pilitin. Siyempre, I found out, she cried afterwards. So, medyo ang bigat din ng loob ko when I left for Doha kasi yun ang iniwan ko. I think, that was the day before I left pa. At saka birth -day pa naming dalawa. It was sad,” litanya pa niya.

Iniiyakan din ba niya si Melissa?

“Oo naman. That was two great years of my life that I spent with her. You know, two years is two years at hindi ko makakalimutan yun nang ganun-gano’n lang. Siyempre, while I’m single now, hinahanda ko na rin ang sarili ko sa proseso for my next relationship. For me, hopefully, yung susunod na babaeng makakapiling ko, yun na yun sana,” bulalas pa ng actor.

-0o0-

Nagsalita na si Erich Gonzales na okey sila ni Angelica Panganiban at nagbabatian pag nagkikita.
Ito ang mga pahayag niya sa presscon ng Corazon, Ang Unang Aswang na palabas sa March 14.

Bagamat na-link siya noon sa kanyang leading man na si Derek ay hindi naman nila dinibdib ni Angel ang isyu. Nanahimik din si Erich dahil ‘yun daw ang utos sa kanya ng Star magic para hindi na rin lumaki.

Noong 2010 pa nila ito sinimulan kasabay ng teleseryeng Magkaribal. “Kaya siya natagalan kasi ganun siya pinag -handaan, inayos yung set-up lahat, kaya yung paghihintay niyo ay worth it talaga. Sana po mapanood niyo po ito, out of the box po ito and that is what I want to be yung mga projects and roles na kakaiba,” sey pa ni Erich.

Tinanong din kay Erich kung nahaplos-haplos niya  ang abs ni Derek sa kanilang mga love scenes.

Tumatawang tugon naman ni Erich. “Siya (Derek) ang naghaplos-haplos sa akin.”

Ano ang masasabi niya sa love scene nila? “Puno ng pagmamahal, totoo at tapat po ang pag-iibigan dito at nakikita po sa eksena namin.” Dagdag din ni Derek sa usapin ng kanilang love scene sa pelikula, “It’s really passionate. Yung sa No Other Woman, yung scenes with Anne wild and crazy. Yung sa amin ni Erich ‘yung love ng mag-asawa, like I would do anything for this woman.”

Kung isalarawan ni Erich ang love scene nila ay  normal.

“Basta po ako ginagawa ko lang po yung trabaho ko at kung anong sabihin sa akin ng director. Kung sinabi ni Direk na open your lips konti eh di open my lips, nakikinig ako sa instructions. Okay naman po normal!”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply