James nami-miss pa rin si Kris

NAMI-MISS pa rin ng sikat na basketbolista na si James Yap ang dating asawa ni Kris Aquino.

Ito ang nabunyag sa isang panayam ni Kris sa co-player at kaibigan ni James na si Marc Pingris.

Pinapasabi raw ni James kay Marc na nami-miss niya ang dating dyowa.

“Sinabi niya kasi kanina sa praktis na sabihin mo sa kanya (Kris) na natutula siya minsan. ‘Bakit kako?’ Eh iniisip ka daw niya,” sabi ni Pingris sa nasabing panayam.

Gayunman, no comment naman ang presidential sister sa nasiwalat ni Marc.

Iginiit niya na masaya na siya at kontento na “good friends” na lang sila ngayon ng basketbolista.

Good din ani Krissy dahil hindi na sila nag-aaway ngayon ni James.

Samantala, hahayaan naman ni Kris na makasama ng anak na si Bimby (Baby James) ang ama sa Holy Week.

Sa katunayan aniya, ay sinabihan na raw niya si Bimby na sa darating na Holy Week ay hahatiin nila ang schedule.

“Maluwag ako na anytime they want to go. Sinasabihan ko pa nga si Bimby na: Holy Week, let’s divide it up to Holy Thursday, you’ll be with me, tapos Thursday, Friday, Saturday, you try being with Papa kasi he’s a guy you have to be with guys,” wika ni Kris.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply