James Yap muling nanliligaw kay Kris

MAY mga natatanggap daw na pahatid-mensahe mula sa mga kaibigan ni James Yap si Kris Aquino na nagsasabing nami-miss siya ng dating mister. Hindi lamang daw si Bimby ang hinahanap-hanap nito kundi maging ang TV host.

Natutuwa naman daw si Kris pero wala na yata sa plano niya ang makipagbalikan sa dating asawa.

Nagulat din ang marami nang sabihin ni Marc Pingris sa ‘Kris TV’ na nami-miss nga ni James ang presidential sister. So, on and off screen ay talagang dumidiskarte pa rin ang magaling na basketeer sa kanyang ex-wife na sumeseksi at gumaganda sa mga panahong ito.

Kung kami kay James, mas epektibong ‘tulay’ si Bimby kaya ito ang dapat niyang gamitin. Pero bakit nga ba siya nagpapakahirap pa gayong welcome naman siya sa lahat ng oras para dalawin ang kanilang unico hijo. Sa pagdalaw niya sa anak isabay n’ya na ang panghaharana. Hehehe!

Sinabi naman ni Tetay na masaya siya dahil kahit annul na ang kasal nila ni James ay nanatili pa rin silang good friends. Hindi na raw sila nag-aaway. Wala nang isnaban at talakan.

At ang magaling na host na rin ang nagsabi na sa darating na Holy Week ay plano nitong i-divide ang Linggo, tatlong araw sa kanya si Bimby at ang remaining days ay sa tatay nya na.

***

Aiza at Chen may kanya-kanya ng syota

MARAMI pa ring espekulasyon na lumalabas tungkol sa paghihiwalay nina Aiza Seguerra at ang naging syota nito for seven years na si Chen Sarte.

Si Aiza raw kasi ang unang nagloko, naghanap ng ibang babae. Pero nung hiwalayan daw ni Chen ay hindi naman pala kayang mawala sa kanya ang una. Huli na dahil naka-move on na ang talent manager.

How true na ang inaalagaan nitong rock singer na si Cathy Go ang bago ngayong dyowa ng ex ng hindi katangkarang acoustic singer? ‘Yan ba ang pinagsisintir ni bulinggit? Hehehe!

Mahabang taon din ang pinagsamahan nila. Sayang naman at ganon lang kadaling nawala. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi makalimutan ng dating Eat Bulaga baby ang dati niyang kasintahan.

***

Nora dapat mag-concentrate sa pagkakakitaan

MAY mga Noranian na nagsasabing dapat nang tigilan ni Nora Aunor ang mga pang-award na project na hindi naman daw makatutulong sa kanya financially. Naipakita na raw ng idol nila ang galing nito sa pag-arte at sa pagkanta kaya panahon na raw para ang sarili naman nito ang asikasuhin. Lalo ngayon ni wala siyang sariling bahay na inuuwian.

After Brillante Mendoza’s indie film na gagawin ni ate Guy dapat stop na muna ito sa ganyang proyekto. Ang mga katulad na offer ng TV5 at ni Governor ER Ejercito ang sinusunggaban niya para di siya nawawalan ng datung. Korek!

Nasaan na ba yung mga direktor na nagdirek kay Nora? Ang iba’y nangamatay na, at yung ilan eh, naghihirap pa din dahil sa kanilang pagmamahal sa sining. Ang nakababaliw, yung mga taong dati’y fan at alalay lang ng beteranang aktres ay nasa ibang bansa na at super yaman, samantalang ang pinagkunan ng yaman ay parang balon na nalimasan ng tubig.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply