Janitor na tirador ng condo units sa QC, tiklo

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang isang janitor na tirador ng mga condo unit sa Quezon City nitong Miyerkules ng hapon (Marso 7).

Ang suspek ay kinilala na si Ariel Buenavista, 34-anyos, miyembro ng housekeeping staff ng Manors Celebrity Place Condominium Complex na nasa Barangay Old Balara.

Batay sa ulat, si Buenavista ay nakatangay milyong halaga ng alahas at pera mula sa apat na may-ari ng condominium units sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagsimula ang modus operandi ng suspek noon pang nakaraang Oktubre.

Ayon kay Chief Inspectopr Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal and Investigation and Detection Unit CIDU), ang pagdakip kay Buenavista ay matapos na makita ng ilang testigo ang suspek na nagmamadaling lumabas ng condo complex na may bitbit na itim na jewelry box na pag-aari ng isang Marissa Gasmen, na condo unit owner at sumakay ito sa isang taksi.

Hindi rin aniya pumasok si Buenavista kinabukasan kaya hiningi nila sa kompanya ang tirahan nito pero natuklasang pineke nito ang kanyang address.

Ilan pa sa mga posibleng biktima ni Buenavista ay sina Robert Gruta, na iniulat na nawalan ng P12 milyong halaga ng mga alahas noong Oktubre 16. Pito sa maintenance crewmen, kabilag si Buenavista, ang kinuwestiyon pero hindi kinasuhan dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Maliban pa aniya kay Gasmen at Gruta, dalawa pang condo owner ang nagsabing nanakawan sila tulad ni Hermogenes Bingayen Jr., na natangayan ng P173,000 halaga ng alahas at iba pang valuables noong Nobyembre 30, 2011; at isang Att. Habla, na nawalan ng P200,000 nitong Enero ngayong taon.

Mariin namang itinanggi ni Buenavista ang akusasyon laban sa kanya at hiniling na matawagan ang kanyang abogado.

Ang suspek ay nakaditine na ngayon sa Camp Karingal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply