Japan quake anniversary ginunita

WARING tumigil ang inog ng mundo sa Japan sa paggunita sa unang anibersaryo ng magnitude 9.0 na lindol na tumama sa bansa noong March 11, 2011 na sinundan ng mapaminsalang tsunami sanhi ng pagkamatay ng mahigit 19,000 katao.

Nagbalik tanaw sa malagim na pangyayari ang mga mamamayan ng Japan lalo na ang kamag-anak ng mga biktima at mismong ang mga nawalan ng tahanan at kabuhayan  bunsod ng kalamidad sa pamamagitan  ng dasal.

Kasabay ng pagluluksa para sa mga buhay na nawala ay ang iba’t-ibang kuwento ng kalungkutan at hinagpis ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, pagkawasak ng kanilang pangarap at ang pag-asa na makabangon mula sa dinanas na trahedya.

Pinangunahan nina Japanese Emperor Akihito at Prime Minister Yoshihiko Noda ang memorial ceremony na ginanap kahapon sa kabisera na Tokyo pero nagkaroon din ng aktibidad sa iba’t-ibang bahagi ng Japan partikular sa mga lalawigan na tinamaan ng tsunami.

Ayon kay Emperor Akihito, maraming hamon ang nakaamba sa reconstruction ng mga apektadong lugar.

Hindi aniya malilimutan ng buong bansa ang pangyayari at binigyang diin ang kahalagahan ng “kizuna” o ang pagkakaisa ng mga tao sa harap ng kalamidad.

Umaasa siyang ang mga masuwerteng hindi naapektuhan ng tsunami ay tulungan ang mga apektado ng kalamidad na makabangon.

Sa gitna ng stage ay ang isang pillar na sumisimbolo sa mga biktima na napalibutan ng mga puting bulaklak ang nagsilbing memorial kung saan nag-alay ng bulaklak at dasal ang mga opisyal ng bansa.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 300,000 pang mamamayan ng Japan ang walang matirhan nang sinira ng alon ang kanilang mga bahay at 80,000 sa mga ito ay ang lumikas sa paligid ng nuclear plant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply