JC de Vera tinamaan ng bulutong!

BALITANG tuloy na ang bagong dramedy ni Marian Rivera. In fact may nasagap kami na tsika na ang title ay Tweets For My Sweets. Hindi pa namin alam ang buong cast. Di nga namin alam kung sino ang kanyang magiging partner sa show. Basta ang mahalaga ay tuloy na at may titulo na ang programa.

Matutuwa nito ang mga fans ni Marian dahil mapanonood nila ang aktres tuwing weekends sa ibang programa. Di lang sa soap opera na My Beloved kung sana partner niya ang love niyang si Dingdong Dantes. Siyempre sa GMA 7 ito.

000

GUMALING at madaling nakarecover si JC de Vera sa sakit niyang bulutong. In fact, sa Friday ay balik-taping na siya ng Valiente. Two weeks rin siyang huminto ng pagtatrabaho. Di makapagreport agad si JC at talagang nag -quarantine dahil nahihiya siya sa mga kasamahan sa taping na di pa dinadapuan ng bulutong. Kahit pa sabihin daw na madaling humupa ang bulutong ng actor, sinunod niya ang payo ng doctor niya na magpahinga nang husto para mabilis mag-recover siya sa bulutong.

Sa Friday, rito na muna sa Metro Manila magti-taping si JC. Sa Friday na rin unang magre-report sa taping si Tirso Cruz III. Bale reunion ito nina Pip at Michael de Mesa sa Valiente na silang dalawa ang gumanap na mga bida ng soap opera na pang-hapon.

Ngayo’y kaaabang-abang ang performance ni Nina Jose sa soap dahil lumabas ang pagkademonyita niya. Super ga- ling niyang mag-internalize bilang maldita na ginawa niyang  pain para mapasuko sina Oyo Boy Sotto, na kapatid niya sa soap, at ang kanilang inang si Jaclyn Jose nang nalaman niya ang sikreto na tinatago ng pamilya na ang may kagagawan ay yung dalawa.

000

HANGANG-HANGA na si Yul Servo sa partner niyang si Rich Asuncion na ngayo’y gumaganap na bilang pangunahing kontrabida ng Biritera. Magsyota sina Rich at Yul sa soap na ang pinakabida ay ang batang si Roseanne Magan, ang Biritera.

Alam ba ninyo na idol ang tawag ni Yul kay Rich? Naging very close ang dalawa sa set dahil madalas silang mag kaeksenang dalawa. Marami rin silang naging kissing scenes kaya ganoon na lang sila ka-close at ease sa isa’t isa.

Bukod sa hanga si Yul sa kagalingan ngayong umarte ni Rich, hanga rin siya sa kabaitan at pagiging matalinong babae ng dalaga. Nag-aaral kasi Rich sa UP ng kursong BS Tourism.

Halos di na raw natutulog si Rich. Pagkatapos kasi ng taping, a-attend pa ito ng
klase.

Bihira sa artista ang nakagagawa nang ganito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply