Jessica Sanchez kinakabahan sa performance ngayon sa American Idol

SA ISANG panayam, inamin ng Filipina-American na si Jessica Sanchez na nagwo-worry siya para sa kanyang performance ngayong umaga (gabi sa Amerika) sa pagpapatuloy ng American Idol Season 11.

Sinabi nina Jessica at ng dalawa pang ka-co-finalist na sina Shannon Magrane at DeAndre Brackensick na nahihirapan silang pumili ng kanta.

Ngayong week, ang tema ay ang mga hit songs na sumikat sa taon ng kapanganakan ng Idol hopefuls.

“I’m feeling a bit iffy (doubtful) because our year wasn’t that great for us,” sabi ni Jessica.

Umaasa ang mga fans ni Jessica kabilang na dito sa Pilipinas na aani ng standing ovation ang 16-anyos na singer.

Noong nakaraang linggo nakakuha ng standing ovation mula sa tatlong Idol Judges si Jessica nang awitin niya ang “I Will Always Love You” ng yumao na si Whitney Houston.

Kabilang sa inaabangan ngayon ay ang anunsyo sa disqualification ni Jermaine Jones, dahil sa pagtatago ng kanyang “criminal past” sa producers ng AI.

Samantala, maliban kay Sanchez, ang Top 12 ay binubuo nina Joshua Ledet, Colton Dixon, Phillip Phillips, Heejun Han (Koreano), Jermaine Jones, DeAndre Brackensick, Shannon Magrane, Hollie Cavanaugh, Skylar Laine, Elise Testone at Erika Van Pelt.

Abangan kung sinu-sino ang mag-i-standout at kung sino ang pauuwiin bukas!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply