Jessica Sanchez kinanta ang ‘Sweet Dreams’ ng idol niyang si Beyonce

NAGPAKITA ng kanyang pagka-creative ang half-Pinay na si Jessica Sanchez sa katatapos lang na performance night ng American Idol ngayong umaga (oras sa Maynila).

Ginawang ballad ni Jessica ang kantang “Sweet Dreams” (isang fast song) ng kanyang idol na si Beyonce Knowles.

Ang tema na kakantahin ngayong linggo ng mga Idol hopefuls ay ang mga awitin ng kanilang idolo.

Matatandaan na palaging sinasabi ng mga Idol judge na mas mahusay si Jessica sa tuwing kumakanta ng ballad, na anila ay bagay sa malaki at mataas na boses ng 16-anyos na dalagita.

Narito ang kinanta ng iba pang finalist:

1. Colton Dixon (Everything ng banda Lifehouse)
2. Skylar Laine  (Gunpowder & Lead ni Miranda Lambert)
3. Hollie Cavanagh (Jesus, Take the Wheel ni Carrie Underwood)
4. Deandre Brackensick (Sometimes I Cry ni Eric Benet)
5. Phillip Phillips (Still Rainin ni Jonny Lang)
6. Joshua Ledet (Without You ni Mariah Carey)
7. Elise Testone (Whole Lotta Love ng rock band na Led Zeppelin)
8. Heejun Han (A Song for You ni Donny Hathways)

Abangan bukas ng umaga (oras sa Pinas) kung sino ang tuluyang pauuwiin!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply