Jessica Sanchez pasok sa Top 10 ng American Idol

HINDI man na-impress o nakakuha ng standing ovation sa huling performance night, umabante pa rin ang Filipina-American na si Jessica Sanchez.

Pasok din ang isa pang Asyano na si Heejun Hans (Korean) at ang well-loved Idol finalist na si Philip Phillips.

Bukod kay Jessica, nakalusot din sa elimination round ang well-loved ng mga kababaihan na si Philips dahil sa ganda ng boses at kaguwapuhan nito.

Ang tatlong napabilang sa bottom three (3) ay sina Shannon Magrane, Erika Van Pelt at Elise Testone.

Si Magrane ang pinauwi at tuluyang tinuldukan ang Idol journey.

Narito ang Top 10 ng American Idol Finalist season 11:

* Jessica Sanchez
* Phillip Phillips
* Hollie Cavanaugh
* Joshua Ledet
* Heejun Han
* Shannon Magrane
* Skylar Laine
* Elise Testone
* Colton Dixon
* Erika Van Pelt

Sa nakaraang performance night, hindi napa-wow ang Idol Judges sa rendition ni Jessica ng “Turn the Beat Around” ni Gloria Estefan. Ayon sa komento ni judge Randy Jackson, hindi bagay sa malaking boses ng 16-anyos na Pinay ang naturang kanta.

Samantala, natapos na rin ang idol journey ng tinaguriang “gentle giant” at vocal instructor mula New Jersey na si Jermaine Jones na na-disqualify matapos ilihim ang criminal history nito sa producers ng kompetisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply