Jessica Sanchez pasok sa Top 13 ng American Idol season 11

NAKABIBILIB talaga ang Filipina-Mexican na si Jessica Sanchez dahil nakapasok na siya sa contest proper o Top 13 ng American Idol season 11.

Hindi naging balakid kay Sanchez ang iniindang problema sa lalamunan.

Nabatid kasi na ilang araw ng masama ang pakiramdam ng 16-anyos na Fil-Mexican kaya sinasabing kulang siya sa practice at medyo malat ang boses nang sumalang ang mga babaeng contestant.

Kahapon (Marso 1, petsa sa Pinas) napa-wow at nakakuha ng standing ovation si Sanchez sa tatlong Idol judges na sina Randy Jackson, Steven Tyler at Jennifer Lopez sa kanyang rendition ng “Love You I Do” ni Jennifer Hudson na dati ring Idol contestant.

Ayon sa mga ulat, tanging si Sanchez lamang ang nakakuha ng standing ovation mula sa idol judges.

Batay pa sa mga napaulat tungkol sa dalaga, nais niyang mapaganda ang buhay ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang pagkanta.

Si Jessica ay sumali na rin sa America’s Got Talent (hindi lang sure kung anong season).

Sana palarin ang Pinay sa American Idol!

Go Jessica go!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply