Jessica Sanchez pasok sa Top 9; Erika Van Pelt laglag na

ABANTE na sa susunod na round o Top 9 ng American Idol Season 11 ang Filipino-American na si Jessica Sanchez.

Sa kanyang performance kahapon (Marso 22, petsa sa Pilipinas) ay mahusay na inawit ni Jessica ang “Everbody Has a Dream” ng music icon na si Billy Joel.

Umani si Jessica ng standing ovation at papuri mula sa tatlong Idol Judge na sina Randy Jackson, Jennifer Loper at Steven Tyler.

Ayon sa tatlong hurado, nababagay ang nasabing kanta kay Jessica.

Natapos naman ang Idol journey ng pamabato ng Rhode Island na si Erika Van Pelt.

Kahit na bumilib ang mga Idol judge sa rendition ni Pelt ng “New York State of Mind” ni Billy Joel ay siya pa rin ang tuluyang pinauwi matapos makakuha ng pinakamababang boto.

Nakasama ni Pelt sa bottom three ang isa pang Asyano sa kompetisyon na si Heejun Han (Korea) at si DeAndre Brackensick.

Ang Top 9 ay binubo nina:

Jessica Sanchez, 16
Joshua Ledet, 19
Colton Dixon, 20
Phillip Phillips,
Heejun Han, 22
DeAndre Brackensick, 17
Hollie Cavanaugh, 18
Skylar Laine, 18
Elise Testone, 28

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply