Jobless sa Pilipinas komokonti – NSO

NABAWASAN na ang bilang ng mga Pilipino na jobless kumpara sa nakaraang taon.

Sa report ng National Statistics Office (NSO), lumalabas na mula sa 7.4 percent unemployment rate noong January 2011 ay bumaba ito sa 7.2 percent.

Ayon sa NSO, tinatayang nasa 2.92 million katao ang walang trabaho ngayon sa Pilipinas, kung saan mas marami sa mga ito ay lalaki at nasa edad 15 hanggang 24.

Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang nasabing report.

Ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang report ay patunay lamang ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng Aquino administration.

Samantala, nanatili naman sa double-digit level na 18.8 percent ang underemployment rate sa bansa, mas mababa kung ikumpara sa 19.4 percent na naitala noong January 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply