Jodi Sta. Maria binalikan ni Jolo Revilla!

HOW true na maligaya ngayon sa piling ng isa’t isa sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla? Ayon kasi sa isang source, Jodi is now the special girl of Jolo Revilla. This means silang dalawa na at wala nang makapipigil pa sa kanilang romansa.

Nagkasama ang dalawa noon sa isang project and both were smitten by each other. Kaya nga lang, may malaking problema si Jodi na hindi pa naaayos ang noon ay gulo naman sa ex-husband niyang si Panfy Kacson. But as soon as it was over, ayun, balik romansa na ang ang dalawa sa kasalukuyan.

No one, we are pretty sure, is ready to admit the relationship. Tiyak pag tinanong silang dalawa, magdi-dilly dally sila at mag-aargumentong magkaibigan lang sila.

Pero sumusumpa nga ang aming source na ‘yung version niya ang paniwalaan dahil nga ito raw ang katotohanan.

Ito pala ang naging dahilan kung bakit nawala sa eksena si Kris Bernal na may natagpuan na sanang pamalit sa kabiguan kay Jay Perillo.

Sa panig naman ng mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong at Congresswoman Lani, wala raw silang paki. Kung saan daw maligaya ang anak nila, du’n na sila.

So there!

***

Angel Locsin nasaktan sa hindi magandang opinion sa dyowang si Phil Younghusband

NAG-TRENDING sa Twitter si Arnold Clavio (number 2) kahapon (March 15) dahil sa comment niya sa Unang Hirit tungkol sa harassment case ng Azkals.

May sumang-ayon sa opinion ni Arnold, may nagalit at may nag-akusang racist ang pahayag.

Sabi ni Arnold: “Sana nag-sorry, sorry na lang talaga, ’di ba… na ’di ko kayo ka-kultura, kaya wala rito (itinuro ang dibdib at ulo). Di naman kayo Pilipino, nagpapanggap lang kayong kayumanggi hindi kayo rito lumaki. Mahirap ’yan.”

Galit ang fans ng Azkals kay Arnold at pati ilang artistang friends ng Azkals team ay nag-react sa Twitter.

Maging si Angel Locsin, rumored GF ng Azkals player na si Phil Younghusband, nag-tweet ng: “I think arnold clavio’s a good person. But this time, sobrang foul lang.

“That’s his opinion. This is mine. Madali lang sumira ng reputasyon, mahirap ibalik. Konting sensitivity lang sana.”

May isa pang Twitter user na sinagot ni Angel ng: “hindi naman po isang tao lang ang azkals. At hindi naman po yung issue yung pagiging Pinoy nila. Unfair po yun.”

As of this writing nag-sorry na si Arnold and has fully realized na padalus-dalos ang kanyang opinion.

(Sinadya pong hindi i-edit ang mga tweet)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply