John Lapus mabibigo sa kanyang launching movie kahit si Wenn Deramas pa ang direktor

PASINTABI kay Luis Manzano, pero sila lang nina Billy Crawford at Martin Escudero ang talagang may dating sa kanilang latest movie na Maroon 5 & The Crying Lady na pinagbibidahan ng da omen sa box office like Marianita Rivera na si John Lapus. Yes, kahit na ilang libong beses pang magpatawag ng press visit ang mga producer nito at kahit pa si Wenn Deramas ang director ng launching movie na ito ni John, sad to say, nangangamoy flopsina talaga ang pelikula.

Honestly, aminin na nating hindi magaling na komedyante si John kaya imbes na matatawa ka sa kanya, kaiinisan mo ang kakornihan ng kanyang jokes at starlet na starlet ang dating nito compared sa mga gay stand-up comedians diyan.

Porke ba tinanggap si Vice Ganda ng moviegoers, ang feeling naman ni John at ng kanyang mga producer ay magtatagumpay rin siya? Maling-mali ang kanilang desisyon lalo pa’t matagal ng pinaglipasan ito ng panahon. We heard na tumutulong pa raw, my BFFT Pete A., si Ai-Ai de las Alas sa publicity nito.

Kami na ang nagsasabi Ms. Ai na sayang lang ang effort mo dahil di talaga ito maghi-hit. Siguro kung kasama ka sa pelikula ay may pag-asa pang kumita. Da height! kahit na sabihing nagbibiro pa sila, ang lakas naman ng tama nila para sabihing kikita ng 800 million ang pelikula nilang ito. Hahaha! You mean, baka naman 800,000. Ha’y naku! Kahit pa ipangalandakan pa ni John na daks ang isa sa leading men niya rito na si Billy, keber ba ng mga taong panoorin siya.

Yes, babangawin talaga sila sa takilya.

Walang himala gyud!

***

Sharon Cuneta palaban sa mga mapanirang basher

MGA cheap talaga itong mga bashers ng nanay-nanayan naming si Sharon Cuneta. Imagine! Sa Kawalan na nang maisip ay kung anu-ano na lang ang mga tine-tweet nila kay ‘Nay Shawie. Nariyang tawagin nila ang Megastar na hampaslupa at abortionist.

Kailan naman ba naging hampaslupa at abortionist ang sikat at mayamang singer-actress? Ha’y naku! Halatang-halata naman na walang pinag-aralan ang mga mapanirang nilalang kaya kung ako kay ‘Nay Sharon, huwag na niyang pagpapaatulan ang mga ito. Tungkol naman sa hidwaan ng kanyang pamilya at pamilya Sotto, basta ang alam namin, mahal na mahal ni Sharon ang kanyang Tita Helen Gamboa. Ito ang takbuhan niya noon kapag may kinakaharap siyang problema.

Bale tinuring niya ang beteranang aktres na kanyang pangalawang ina kaya sana, tulad ng kanyang wish na maayos rin ito ay magkaroon ito ng katuparan lalo pa’t pareho silang nasasaktang magtiyahin sa pangyayari na nag-ugat sa usaping pulitika. Naging mabait namang pamangkin si mega sa tiyuhing si Senator Tito Sotto ganoon rin naman ito sa kanya kaya pasasaan din at masi-settle rin nila ang problemang ito. At para sa kanyang mga Sharonian’s, very soon ay mapanonood na ang daily talk show ni ‘Nay Sharon sa TV5. Bago ang konsepto nito na tiyak na kagigiliwan ng lahat.

****

Little Miss Philippines ibabalik sa Eat Bulaga

LAST 2010 pa huling napanood ang sikat na portion sa Eat Bulaga na Little Miss Philippines kung saan rito nanggaling sina Aiza Seguerra, Lady Lee, Jessa Zaragosa, Gladys Reyes, Dindin Llanera maging ang magandang young actress host na si Pauleen Luna na tinanghal na winner sa LMP noong taong 1995. At dahil sa paulit-ulit na request ng mga mother nating Dabarkads na may mga cute and talented daughter na muling ibabalik ng Bulaga ang nasabing portion,

Mapanonood muli ang click na segment na ito na ilang dekada na ang binibilang. At para sa registration form ng inyong mga anak kasama ng kanilang requirements, puwede nyo itong dalhin sa Puregold Binan, Laguna o kaya’y sa Puregold Sta. Maria Bulacan.

Tandaan, 1st 200 applicants ang hinahanap ng Bulaga at abangan na lang kung kailan ang schedule ng auditions. At ilan sa mga sinasabing requirements ay ang Barangay certification na katibayan na sa lugar na ito kayo nakatira. Birth Certificate ng inyong daughter at recent picture nito na 1 Pc 3R size close-up at isang piraso din ng 3R size na whole body picture nito. Puwede rin i-download ang inyong registration form sa official website ng Bulaga na www.eatbulaga.tv Little Miss Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply