JuanMa suspendido

IPINAG-UTOS ni WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang pagsuspinde kay former featherweight champion Juan Manuel Lopez ng isang taon dahil sa paratang kay referee Roberto Ramirez.

Una nang inakusahan ni Lopez si Ramirez na sangkot sa sugal kaya maagang inawat ang laban nila ni Orlando Salido nitong Linggo.

“At the moment he is suspended for one year. In five days we are giving him the opportunity to convince us otherwise…and we did take the apology into consideration,” sabi ni Valcarcel.

Ayon sa kanya, nais lamang iparating ng WBO na hindi nila kinukunsinti ang kawalan ng sportsmanship ni Lopez dahil lamang sa mapait nitong pagkatalo.

Bago ito, nagbanta si Nelson Vazquez, pangulo ng Association of Professional Boxing Officials, na magsasampa ang grupo ng formal complaint sa tanggapan ni Boxing Commission President Dommys Delgado Berty ng Puerto Rico.

Si Vazquez, retired police inspector ay nagsabi na ang komento ni JuanMa ay mapanira sa panig nila at kay Ramirez na kilalang tapat na opisyal sa ring noon pa man.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply