Judge nabundol ng motorsiklo, sugatan sa GenSan

SUGATAN ang isang judge makaraang mabundol ng single motorcycle matapos lumabas sa mansyon ni Rep. Manny Pacquiao sa NLSA Road, Barangay Lagao, sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Judge Antonio Lubao, 67, na-assign sa RTC branch 22 sa syudad ng GenSan.

Nabatid na kalalabas lang ng Pacquiao residence dakong alas-8:30 kagabi nang ito ay binangga ng single motorcycle na minamaneho ni Oliver Busano, residente ng purok 17, Barangay Lagao.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng awtoridad na walang lisensya ang drayber at nasa impluwensiya ng alak na ngayon ay nasa lock up cell ng Lagao Police Station.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang naturang judge.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply