Julaton dudurugin si Marcos bukas

DUDURUGIN ni WBO regular super bantamweight champion Phil-Am Ana Julaton ang kanyang kalaban na si WBO interim super bantamweight queen Jessica Patricia Marcos ng Argentina sa kanilang WBO unification clash bukas, Marso 17 sa Amphitheater Juan Pablo II sa Ciudad San Martín sa Mendoza, Argentina.

Kanina ay tumimbang si Julaton ng 122 lbs (55,300Kg) habang ang kalabang si Marcos ay 120.8 lbs (54,800 kg).

Marami naman ang nagsabi na tiyak umanong mananalo si Julaton dahil mas malaki ito kumpara sa kalabang taga-Argentina.

“I respect Ana because she a champion, but I have confidence on me. I have had a good training camp and I am going to win tomorrow,” sabi ni Marcos.

Matatandaan na huling dinepensahan ni Julaton ang kanyang WBO super bantamweight crown sa pamamagitan ng unanimous decision win laban kay Jessica Villafranca sa Yucatán, Mexico noong September 2011.

Samantala, ang undefeated naman na si Marcos (18-0-1, 6KOs) na mas kilala bilang “Assassin Bonbon” ay sariwa pa sa fifth round technical KO victory laban kay WBA interim champ Simone Da Silva ng Brazil noong October ng nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply