Julaton naagawan ng korona sa Argentina

NABIGO ang Filipina-American boxer na si Ana “The Hurricane” Julaton na mapanatili ang kampeonato nang talunin sa pamamagitan ng unaninmous decision sa katunggali nitong si Yessica Patricia Marcos sa Argentina, kanina.

Hindi umubra si Julaton at tinanggap ang mabibilis at sunud-sunod na suntok ni Yessica para makamit ang WBO super bantamweight title.

Napanatili ni Yessica ang wala pa ring talong record para pahiyain si Julaton.

Ito na ang ikatlong pagdepensa ng 31-anyos na si Julaton sa kanyang korona.

Dumating si Julaton sa teritoryo ni Marcos bilang 3-1 underdog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply