Justice hall sa Caloocan nabulabog sa bomb scare

NABULABOG ang mga tao sa loob ng Justice Hall matapos makatanggap ng tawag na may itinanim na bomba sa Caloocan City kaninang umaga.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang telephone operator ng Caloocan City Justice Hall sa 10th Avenue ng lungsod.

Sinabi ng hindi pa kilalang caller na may itinanim na bomba doon.

Agad na ipinagbigay-alam sa mga pulis ang pangyayari at makalipas ang tatlong oras ay walang nakitang bomba na naging dahilan upang pabalikin ang mga empleyado.

Matatandaan na noong nakaraan Linggo, galing sa nasabing Justice Hall si SPO1 Manolo Caoile upang samahan ang kaibigan na may kaso.

Pag-alis ni Caolie sakay ng kotse at pagsapit sa 10th Avenue malapit sa kanto ng A. Mabini ng lungsod ay pinagbabaril at napatay ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan ang nasabing kaso ni Caoile sa nangyaring pananakot.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply