Kababaihan kinilala sa 2012 Women’s Month

KINILALA ng National Police Commission (Napolcom) ang ini-ambag ng mga kababaihan sa larangan ng pagpapaulad ng kalikasan.

Sa ginanap na 2012 Womens’ Day celebration kaninang umaga sa gusali ng Napolcom, ipinagmalaki ni Sen. Loren legarda ang partisipasyon ng kababaihan sa pagtatguyod sa pakikibaka sa climate change.

Ayon kay Legarda, na isa sa naging pangunahing bisita sa ginanap na okasyon sa Napolcom, kinikilala niya ang kababaihan, ang umano’y mahinang sektor ng lipunan pero aniya sila ang pinakamalakas sa pangangalaga ng kalikasan.

Sinabi ni Legarda, na kadalasan ang kababaiha ang nagiging biktima at namamatay tuwing sumsapit ang kalamidad sa bansa.

Bukod dito sila rin ang nalalantad sa pang-aabusong sekswal at dumaranas ng pangma-maltrato maliban pa sa pagbibigay buhay sa sinapupunan.

Pinuri rin ng senadora ang mga kababaihan na matapat na naglilingkod sa Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Nationl Police (PNP) Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang ahensya ng pamahalaan na inilalagay sa panganib ang kanilang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply