Kabadingan ‘di krimen – UN Sec-Gen Ban Ki-Moon

HINDI krimen ang pagiging bading o tomboy. Ito ang ipinahayag ngayon ni United Nations (UN) Secretary-General Ban Ki-Moon.

Aniya, dapat wakasan na ang kalupitan at diskriminasyong base sa sexual orientation o gender identity.

Sinabi niya sa Human Rights Council meeting na ginanap sa Geneva, Switzerland na bading man, tomboy o babae o lalaki ay pawang mga taong may karapatang mabuhay sa mundo.

Aniya, hindi sila dapat kondenahin dahil sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae o kapwa lalaki.

Hindi rin aniya ito dapat maging basehan sa pagtanggap sa trabaho, eskwelahan at ospital, at lalong hindi sila dapat saktan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply