Kabataan hinikayat na makiisa sa Earth Hour sa March 31

HINIMOK ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Filipino, partikular ang mga kabataan na makiisa sa Earth Hour sa March 31.

Idadaos ang Earth Hour, isang worldwide event na ang layunin ay isulong ang energy conservation at pangangalaga sa Inang Kalikasan, sa Marso 31, Sabado, mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Partikular na hinimok ni Father Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth (ECY) ng CBCP, ang mga kabataan na hikayatin ang kanilang pamilya, kaibigan, komunidad at iba pa upang obserbahan ang Earth Hour.

“As in the past years, I enjoin everyone to join in the observance of Earth Hour this 31st of March 2012, the last Saturday of this month, and to extend this invitation to everyone within our respective networks to take part,” ani Garganta.

Kasabay nito, hinimok din ng pari ang mga kabataang Pinoy na lumahok sa “I Will If You Will” campaign.

Nabatid na ang ECY ang nagpasimula ng naturang kampanya na humihikayat sa mga mamamayan na magbigay ng personal na kontribusyon kung paano nila maililigtas ang Inang Kalikasan mula sa tuluyang pagkasira.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply