Kabataan hinikayat ng CBCP na mag-Visita Iglesia

HINIKAYAT ng Simbahang Katolika ang mga kabataan na mag-Visita Iglesia at maging abala sa mga gawain sa halip na magliw-aliw ngayong panahon ng Kuwaresma, na natapat ding summer season.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa halip na ibuhos ng mga kabataan ang kanilang panahon ngayong summer season sa pamamasyal sa mall, pagdi-disco hopping, paliligo sa beaches at iba pang uri ng kasiyahan, ay mas mabuting ilaan na lamang nila ang panahong ito para magdasal, magnilay at magbalik-loob sa Panginoon.

Sinabi ng arsobispo na bukod sa pagsisimba ay mas mabuti rin para sa magkaka-barkada na mag-Visita Iglesia. Ito ay isang tradisyunal na aktibidad tuwing Holy Week kung saan nililibot ang iba’t ibang simbahan upang sariwain ang “station of the cross.”

Ang ganitong aktibidad ani Palma ay makatutulong para tumibay ang pagkakaibigan at pananampalataya sa Diyos.

Iginiit pa ng CBCP president na ang buhay ay hindi puro pag-e-enjoy lamang dahil may kaakibat itong responsibilidad sa kapwa at sa Diyos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply