Kabataan ‘wag padala sa maagang pamumulitika- CBCP

HINIMOK ng CBCP-Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na huwag padadala sa maagang pamumulitika para sa 2013 midterm elections sa bansa.

Ayon kay CBCP-ECY executive secretary Rev. Fr. Kunegundo Garganta na huwag magpadala sa panunuyo at pagpapapogi ng mga pulitiko ang mga botante.

Ang pahayag ay ginawa ni Fr. Garganta dahil kahit malayo pa ang eleksyon ay marami nang pulitiko ang nagpapabango ng kanilang pangalan.

Hindi rin dapat magpadala ang mga botante sa mga naglalabasang survey sa kung sino sa mga  kandidato ang nangunguna sa pagkasenador at iba pang puwesto.

Aniya, maliban sa pagiging maka-Diyos, maka-bayan at makakalikasan dapat gawing pamantayan sa pagpili ng isang kandidato ay kung ano ang plano o mga programa nito na makakatulong sa mga kabataan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply