Kagawad utas sa pinaglaruang baril

DEAD on the spot ang isang barangay kagawad ng paglaruan nito ang kanyang baril habang nakikipag-inuman sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Nakilala ang biktima na si Restituto Corales Cabunoc Sr., 52-anyos, barangay kagawad ng Dinalawan, bayan ng Narvacan, ng nabanggit na lalawigan

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtungo ang biktima, kasama sina Marvin Sanchez at Randy Quimba, sa bahay ng kanyang pinsang si Fidel Corales Cacas sa Sitio Limmansangan, Brgy. Marga-ay, Narvacan.

Una rito, nag-iinuman ang mga ito nang inilabas ng biktima ang kalibre .45 baril.

Itinutok sa sarili ng biktima ang baril na hindi naman inawat pa ng mga kainuman dahil nakagawian na niya (biktima) ang ganoon.

Subalit bigla na lamang pumutok ang baril habang nakatutok sa sentido.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam kung may foul play ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply