Kahit magtutuwad, tumulay pa sa alambre, Marianita ‘di mapag-uusapan worldwide tulad ng kinaiinsekyurang si Bela Padilla

KALUKRING! Mas maingay pa kaysa sa naghihingalong rating ng My Gilagid este My Beloved ang walang katapusang kamaladitahan ni Marianita Rivera. Mismong ang kapatid na natin sa panulat na si Alex Datu ang nag-report sa kanyang mga kolum na taunang nagpupunta ng Baguio para mag-unwind at ma-witness ang masaya at makulay na Panagbenga Festival.

Pauwi na at pabalik ng Manila si Alex at habang sakay ng aircon bus nang ipakita sa TV screen si Marianita Rivera.

Halos lahat ng kasabayang pasahero ay nag-react sabay sabing suplada si Marianita. Tiniis raw ng mga ito ang init ng sikat ng araw para masilayan lang ang negang aktres na kahit ilang beses na nilang kinawayan at isinisigaw ang pangalan, kahit isang segundo, hindi man lang sila nakuhang lingunin nito.

May sakit na stiff neck raw yata ang babaitang ito at tamad na tamad na ibahin ang direksiyon ng kanyang face na for almost two hours raw ay diretso lang ang tingin at ayaw talagang pansinin ang mga otaw sa Baguio.

Naku, dapat i-ban ang mga project ng demonyitang aktres na ito sa naturang ugar.

By the way, kahit na ano pa ang gawin ni Marianita, magtutuwad man siya, tumulay sa alambre at kumain ng nagbabagang apoy, never niyang mapapantayan ang pagiging sensational worldwide ng kina-iinsekyuran noon pang si Bela Padilla. Imagine! Ang actress na ikinulong niya noon sa CR at minura-mura sa gitna ng taping ng teleserye nilang “Endless Love” sa GMA-7 ay sikat na sikat at pinag-uusapan na ngayon sa buong mundo at na-interview pa sa mga international news program tulad ng BBC World Tonight, Reuters, London, CNN etc. at naging headline rin sa mga international newspaper na Newstruck India, Qatar Tribune, Macau Daily Times, British Business Finder, Irish News Center, Dallas News, Turkey News. Lahat sila ay sinulat ang controversial cover ni Bela sa sikat na Men’s mag na FHM para sa buwang ito ng Marso dahil sa isyung “racism!”

Pinag-debatehan talaga ito at may kanya-kanya sila ng opinyon. Pero racist nga bang masasabi ito porke mga negrang model ang nasa background ni Bela? Isang uri ng konsepto lang naman ito at walang intention si Bela at pamunuan ng FHM na mang-discriminate ng mga Black American, noh?

Kuha nyo gyud!

***

Toni Gonzaga magbibida sa month-long special ng Wansapanataym

ISANG month-long special na pagbibidahan ng Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang ihahandog ng Wansapanataym sa pinakaunang pagkakataon simula ngayong Marso 10.

Abangan ang iba’t ibang kwentong kapupulutan ng aral sa pagbibigay-buhay ni Toni sa iba’t ibang karakter bawat Linggo.

Tuturuan ni Toni ang buong pamilya ng iba’t ibang leksyon bilang isang witch, isang lalaking nagpalit ng anyo bilang babae, at isang kakaibang weather girl. Tunghayan kung ano ang mga iba’t ibang pagdaraanan ni Toni na makatutulong sa paghubog ng pagkatao ng kanyang mga karakter sa nasabing programa. Makakasama niya sa month-long special sina Guji Lorenzana, Isay Alvarez, Atoy Co, Angel Sy, Nina Dolino, Bryan Termulo, Eda Nolan, Tess Antonio, Cecile Paz, Dexter Doria, at marami pang iba.

Ang Witchy Mitch episode sa month-long special ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Eric Salud, habang Hannah Panahon ay sa ilalim naman ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Don Cuaresma.

Huwag palampasin ang month-long special ng Wansapanataym sa Marso 10, pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply