Kainan sa bus terminals, daungan pinasusuri sa DTI

NAIS ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inspeksyunin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga food outlet sa mga bus terminal at daungan ngayong tuloy-tuloy ang buhos ng mga pasahero pauwi ng lalawigan.

Layunin ng NDRRMC na matiyak na hindi overpriced ang mga ibinebentang pagkain sa mga tindahan sa mga bus terminal at daungan.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na may ilang tindahan sa mga bus terminal at pantalan ang nagbebenta na ng pagkain na triple ang presyo mula sa original price nito.

Ayon kay Ramos mayroong kapangyarihan ang DTI para parusahan ang mga naturang food outlet na masyadong mahal ang mga bilihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply