Kalabaw ayaw ibenta, tatay kinatay ng anak

DAHIL sa sobrang higpit ng pangangailangan ng isang anak ay nagawa niyang mapatay ang sariling ama nang tumanggi ang huli na ibenta ang alaga nilang kalabaw sa North Cotabato sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, patay sa pananaksak ng sariling anak si Juanito Juala, isang magsasaka at residente ng Brgy. Sarayan, Matalam, North Cotabato.

Nagtangka pang tumakas ang suspek na si Ruben Juala subalit agad ding nadakip sa follow-up operation kasunod ng ginawang pananaksak sa ama na ikinasugat din ng kanyang ina na nagtamo ng sugat sa noo.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na sa gitna ng pangungulit ng susek ay ayaw ng kanyang ama na ibenta ang kanilang kalabaw.

Ngunit nang nagmatigas ang biktima ay ikinagalit iyon ng suspek para mapatay sa saksak ang tatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply