Kalyeng bako-bako

BANGKOK – Nandito ang Free Spits sa Bangkok, Thailand para sa pagtatanghal ng Bangkok Motor Show, ang ikalawang pinakamalaking palabas ng mga kotse sa South East Asia matapos ang Beijing Auto Show sa China. At sa tuwing babalik ako rito sa Bangkok, nanlulumo ako sa inggit sa isang bansang pulubi at walang kakayanan may limang dekada lamang ang nakararaan.

Noong araw, dito sa Bangkok ang trapik ay mas masahol pa sa Maynila.

Nagkalat ang “tuktuk” – ang kanilang version ng jeepney – sa lansangan at ang mga bus ay sangkatutak. Noong dekada 70, hawak ng Bangkok ang titulong pinakadelikadong mga lansangan sa Asya. Kung sumagitsit ang mga taxi, tuktuk at bus dito ay parang wala nang bukas.

Noong dekada 80 ang Bangkok ang tinaguriang “world capital of AIDS.”

Bawat kanto ay may AIDS clinic at nagkalat ang mga sex den sa loob ng siyudad ng Bangkok. Pero dahil na rin sa pagpupunyagi ni Haring Bhumibol, umangat ang Thailand at ngayon ay isa nang sentro ng negosyo at kalakaran sa South East Asia.

Baliktad sa ating mahal na Pilipinas na noong mga panahong iyon ay tinaguriang “Pearl of the Orient Seas” pero ngayon ay siya ng “Sick Man of Asia.” At tigilan na po natin ang pambobola sa sarili natin, kahit ano pa ang sinasabi ng mga business monitor at international agency tungkol sa ekonomiya natin, wala hong nangyayaring maganda sa sikmura ng tao sa baba.

Tingnan na lang natin ang hitsura ng mga kalsada natin kumpara rito sa Bangkok o sa buong Thailand na mismo. Dito ay maayos ang mga kalsada. Maraming second, third at fourth level highways at ang trapiko, kahit masikip ay dumadaloy.

Walang kalat at makulit na bus o jeep sa lansangan. Matulin magmaneho dito pero lahat nasa ayos at sumusunod sa batas trapiko.

Maging ang motorsiklo ay nasa sariling linya (at doble ang dami ng motor dito kumpara sa Maynila).

AT lalo na ang mga kalye, maayos, patag at hindi binubungkal nang walang dahilan. Sa Pilipinas ang maaayos na kalye ay gigibain nang walang dahilan at sesementuhan kasi may pera na dapat gastusin ang siyudad.

Pero yung bayan na walang pera, ni hindi makatikim ng maayos na kalsada. Kasi wala nga silang pera. Walang boses na pambili sa mga pulitiko natin.

Nakahihiya minsan sagutin ang mga tanong dito tungkol sa impeachment ni Corona at “Noynoying” ni Aquino. Kasi, parang wala tayong maipagmamalaki sa mundo, maliban na lang kung makikiamot tayo sa mga Fil-Am o Fil-Canadian o Fil-Brit o sinomang may dugong Filipino pero hindi lumaki sa inang bayan.

Bako-bakong daan, bako-bakong yabang, yan ang masakit na ipinagmamalaki natin sa ibang bayan.Kaya kahit gaano kaliit ang ibibigay niyo sa kanila ay mas maganda sigurong pakinggan kung pare-pareho sila ng matatanggap.

Sa palagay ko  ay matatanggap nila ang ganun kaysa mabalitaan na ang iba ay  nabigyan ng mas malaking halaga, ‘di po ba NHA Gen. Mngr. Chito Cruz?

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09062653394   o kaya ay mag-email sa lpr_2012@ya-hoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply