Kamara walang igagawad na parusa kay Tiangco

WALANG gagawing pagpaparusa ang Kamara para kay Navotas Rep. Toby Tiangco.

Inamin ngayon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na wala siyang gagawin na pagpaparusa kay Tiangco.

Ito ay sa kabila ng panggagalaiti diumano ng ilang kongresista dahil sa pagtestigo nito ukol sa pagtalakay sa impeachment ng mga kaalyado ng administrasyon noong Disyembre 12, 2011.

Si Tiangco ay magugunitang kusang loob na tumestigo sa impeachment trial na ikinapikon ni House Majority Leader Neptali Gonzales, Jr., dahil nilabag umano nito ang tuntunin sa executive caucus na hindi maaaring ilantad sa publiko ang anumang pinag-usapan dito.

Ayon kay Belmonte, kahit siya ang lider ng Kamara, wala siyang gagawin at hindi rin niya kontrolado kung anuman ang magiging pasya ng liderato ng Kamara sa ginawa ni Tiangco.

Nilinaw naman ni Gonzales na bago ang caucus ay may bilang na sila na higit sa 1/3 votes para maisulong ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona.

Aniya, bagama’t may mga kongresistang hindi nakonsulta ay hinayaang magtanong sa caucus ang mga ito upang linawin ang nilalaman ng reklamo laban sa punong mahistrado.

Inihayag din ni Gonzales na wala siyang gagawing aksyon o hindi siya magsusulong ng anumang hakbang laban kay Tiangco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply