Kampanya vs child labor pinaigting pa

LALO pang pinaigting ng Department of Labor and Employment (Dole) ang kanilang kampanya laban sa child labor matapos mapag-alaman na may halos 31,000 kabataan sa bansa ang potential na maging manggagawa.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, umabot na sa halos 10, 000 kaso ng child labor ang naitala noong isang taon kaya sisimulan nila ang kampanya sa barangay level kung saan karaniwang nagaganap ang pagtatrabaho ng mga menor de edad.

Bunsod nito, inatasan na ni Baldoz ang mga regional office na buhayin ang barangay council for the protection of children at alamin ang mga lugar na may mataas na insidente ng child labor.

Pinaalala rin ng kalihim na sa ilalim ng Republic Act 9231, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha sa mga menor de edad bilang mga manggagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply