Kampanya vs maternal deaths pinaigting pa ng DOH

PINAIGTING pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya laban sa maternal deaths at complications kasunod ng ulat na may pitong ina at 70 bagong silang na sanggol ang namamatay sa panganganak kada araw.

Kaugnay nito, hinikayat ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang mga ina na regular na magpasuri sa health center upang matiyak na ligtas sila sa maternal deaths at complications.

Inilunsad rin ng DOH ang kanilang jingle na “Sa Health Center, Sigurado Ka,” na layuning isulong ang ligtas na panganganak.

Nabatid na ang naturang radio jingle ay inawit ng mag-inang singer na sina Kuh Ledesma at Isabella.

Ayon kay Tayag, kumpiyansa ang DOH na sa pamamagitan ng naturang jingle ay mas mahihikayat ang mga nanay na regular na magpasuri sa mga health center sa panahon ng kanilang pagbubuntis.

Ipinaalala pa ni Tayag na mahalaga ang pre-natal check up upang matiyak na walang magiging komplikasyon sa panganganak ang isang ina.

Kaugnay nito, umapela rin si Tayag sa mga mambabatas na ipasa na ang Reproductive Health (RH) bill sa lalong madaling panahon.

Ani Tayag, sa kanilang panig ay ginagawa nila ang lahat upang matiyak na matutulungan ang mga ina na ligtas makapanganak pero kailangan din nila ng tulong ng pamahalaan.

Ang kampanya para sa pagpapalakas ng Maternal and Child Health Services ay una nang sinimulan ng DOH sa Gitnang Visayas sa tulong na rin ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply