Kampanya vs pneumonia sa mga baboy, pinaigting

DAHIL sa lumalalang karamdaman ng sakit na pneumonia sa mga alagang baboy, inilunsad ng lokal na pamahalaang lungsod ng Pasay ang kampanya upang tiyakin na ligtas sa naturang sakit ang mga kinakatay na nasabing hayop.

Kasabay nito, nanawagan si Pasay City Veterinarian Dr. Rolando Bernasor sa mga hog dealers na pabakunahan ang kanilang mga alagang baboy upang matiyak na ligtas sa sakit ang mga ito.

Ang hakbang ni Bernasor ay kaugnay sa napaulat na lumalala ang sakit na pneumonia sa mga baboy na inaalagaan ng mga hog raisers ngayong panahon ng tag-init.

Pinayuhan din ni Bernasor ang mga hog raisers na agad na ipasuri sa dalubhang beterinaryo ang mga alagang baboy sakaling makitahan ng kakaibang pananamlay para maagapan at hindi lumalala ang karamdaman.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng City Veterinarian Office sa loob ng Pasay City Public Market at sinuri ang mga ibinebenta baboy kung ang mga ito ay dumaan sa tamang proseso bago katayin sa slaughter house. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply