Kampanya vs sunog ikinasa ng fire volunteers

SA PAGPASOK ng buwan ng Marso na tinaguriang “Fire Prevention Month” ay nagsimula na ring lumobo ang bilang ng mga insidente ng sunog sa Metro Manila.

Ikinasa ng mga bumbero mula sa iba’t ibang volunteer group sa ilalim ng TXT Fire Philippines at mga kaalyado nito mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang isang malawakang kampanya kontra sunog.

Ayon sa grupo ng mga fire volunteer na karamihan ay binubuo ng mga Filipino-Chinese, magsasaagwa muna sila ng isang motorcade bilang hudyat ng kanilang kampanya ngayong Fire Prevention Month.

Inihayag ni Gerry Chua, pangulo at founder ng grupo, na 160 firetrucks at mga ambulansya mula sa BFP at iba pang mga volunteer firefighter at fire brigades ang sasali.

Maglilibot ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, maliban pa sa mga lalawigan. Gaganapin ang motorcade sa darating na Marso 4, 2012.

Layunin ng aktibidad na makapagpaalala sa publiko na higit na mag-ingat laban sa sunog, lalo na at patuloy na nakararanas ng napakainit na temperatura sa buong kapuluan partikular na sa Metro Mnaila.

Kabilang din sa kanilang mga programa ay ang pagmumungkahi na maisama sa curriculum sa mga paaralan ang pag-iwas sa sunog.

Nanawagan din si Chua sa lahat ng mga mamamayan na mag-ingat at bantayan ang kanilang mga anak at ilagay sa tamang lugar na hindi maabot ng mga bata ang mga posporo at ibang mga bagay na posibleng pagmulan ng sunog.

Samantala, sa ngayon ay naka-alerto na ang lahat ng mga miyembro ng BFP at Txt fire upang agad na rumesponde kung magkaroon ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply