Kampo ni Aleli napikon sa pagsulpot ni Ibuna sa Kamara

UMAAPELA ang kampo ng asawa ng yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na igalang sana ni Grace Ibuna ang kanilang kasunduan.

Ito ay matapos ikairita ng kampo ni Aleli ang biglang pagsulpot ni Ibuna sa necrological service para sa yumaong kongresista kaninang umaga sa Kamara.

Ayon kay sa abogado ni Aleli na si Atty. Lorna Kapunan, nilabag ni Ibuna ang kasunduan.

“When the body arrived at the airport, Mrs. Aleli Arroyo did not go to the airport out of respect. When the body was in Arlington, she also did not go knowing that Grace (Ibuna) would also be there out of respect. Now she’s here greeting all the congressmen. That is in gross violation of the compromise agreement.”

Kukunsultahin din ng kampo ni Aleli Arroyo ang mga abogado ni Ibuna para sa posibleng court sanctions “but for the spirit of compromise agreement hindi naman natin pwedeng ilagay lahat ng detalye sa agreement, but I think that is the whole purpose of the compromise agreement.”

Dakong alas-10:00 ng umaga kanina nang isagawa ang necrological service na dinaluhan ng kaniyang mga kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo at dating Rep. Marilou.

Nagbigay naman ng eulogy si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, House Minority Leader Danilo Suarez, Deputy Minority Leader Milagros “Mitos” Magsaysay, Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer at Davao del Norte Rep. Antonio Lagdameo Jr.

Pagkatapos sa Kamara, adalhin ang labi sa Bacolod kung saan ilalagak ito sa Magdalene Church, Hiningan, Negros Occidental.

Sa March 6 hanggang 7 ay magkakaroon ng final viewing sa 14 Badjao St., La Vista.

Ihahatid sa huling hantungan ang kongresista sa Boyernes (Marso 9) sa Manila North Cemetery.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply