Kano nasalisihan ng bading sa Maynila

TINUTUGIS na ngayon ng pulisya any isang 25-anyos na bading matapos nitong pagnakawan ang isang American national sa Tondo, Maynila.

Personal na dumulog kaninang umaga sa Manila Police District (MPD)-General Assignment Section ang biktima na si James Brian Robledo, 44, binata, isang production designer at pansamantalang nanunuluyan sa 1775 Adriatico St., Malate, Maynila, upang ireklamo ang suspek na si Angelito Culala, 25, ng 1133 Kagitingan St., Tondo.

Nabatid kay PO3 Jayjay Jacob, na kaibigan diumano ng suspek ang nobya ng Amerikano na si Joan, isang overseas Filipino worker (OFW) sa 1170 Kagitingan St., Tondo.

Nauna dito, dumalaw umano ang suspek sa bahay ni Joan na kaibigan nito kung saan naabutan din nito si Robledo na nobyo ng una.

Matapos ang masaya nilang pagkukuwentuhan ay nagkayayaan silang mag-inuman sa Cowboy Grill subalit nang mag-uwian na ay saka lamang napansin ni Robledo na nawawala ang kanyang Apple iPod Touch (64GB) na nagkakahaalga ng P32,000 na iniwan nito sa bahay ni Joan.

Naniniwala ang biktima na si Culala ang kumuha dahil sila lamang ang tao sa bahay ng kanyang kasinatahan at nakita pa nito habang ginagamit niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply