Kapitan ng barko na nagtago sa batas naaresto sa NAIA

NAARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kapitan ng barko na isang taong nagtago sa batas kaugnay sa kasong pananakit sa kanyang kasintahan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Branch 194, inaresto ang suspek na si Joe Magaway nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Immigration-2 sa Terminal 2 mula sa South Korea kaninang hatinggabi.

Sa pakikipagkoordinasyon ng mga tauhan ng NBI sa Interpol at Immigration, natunton ang kinaroroonan ng suspek at ang takdang araw at oras ng kanyang pagdating sa Pilipinas na nagresulta sa kanyang pakakadakip.

Noong 2011 kinasuhan si Magaway ng paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence against Women & Childrens’ Act of 2004) ng hindi pinangalanang biktima na kanyang binugbog umano.

Hindi tumugon ang suspek nang magpalabas ng subpoena ang korte noon at lumabas pa ng bansa.

Dahil dito, inalam ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Magaway at sa ipinalabas na warrant of arrest ng korte ay nadakip ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply