KAPRITSO NG LAMAN (Ika-46 labas)

“SAKA na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan, Jason,” sabi ni Sally sa binata. “Matagal pa tayong magsasama rito sa Taipei.”

Hindi na ipinilit ng binata ang gustong mangyari.

Itinuloy na nila ang pamamasyal.

Nang gutumin sila, naisipan nilang kumain sa nakitang maliit na kainan sa nasabing park.

Pasyal ulit pagkatapos.

Nang dumating ang hapon, napagod din ang dalawa at nagkayayaan nang umuwi.

Sumakay na sila sa kotse ni Jason.

“Hindi pa tayo uuwi. Hindi ba’t ang sabi ko sa iyo, sa labas tayo magdi-dinner,” baling ng binata kay Sally.

“Saan nga ‘yung restoran na sinasabi mo?” tanong ng babae.

“Sa Kiki Restaurant!”

Hindi na naman naiwasan ni Sally ang malakas na matawa.

“Ano ba namang pangalan ng restorang iyon. Ang sagwa!” natatawa pa ring sabi ng babae.

“Sa atin lang masagwa iyon. Pero dito, hindi bastos at sikat na pangalan iyon!” natatawa ring sagot ni Jason.

Nakarating sila sa lugar.

Tama ang sinabi ng binata.

Napakaganda ng nasabing restoran.

Disente at mukhang mape-pera ang mga kumakain.

Five Star Hotel ang katumbas nito sa Pinas.

Lumapit sa kanila ang isang waiter at nag-abot ng menu.

Pumili si Jason ng kanilang kakainin.

Hindi naiwasang igala ni Sally ang kanyang mga mata hanggang sa may lalaki na kumaway sa kanila.

Si Edward!

“Dito rin pala nila naisipang kumain ng babaeng kasama niya,” sabi ni Sally kay Jason.

“Kinakabahan ako riyan sa pinsan ng asawa mo. Talaga kayang magagawa niyang ingatan ang sikreto mo rito?” tanong ng binata.

“Ewan ko! Hindi ko hawak ang ugali niya,” sagot naman ni Sally.

Halos kulang kalahating oras din silang naghintay bago dumating ang inorder nilang pagkain.

“Wow! Mukhang ang sasarap ng mga ito!” palatak ni Sally habang isini-serve ng waiter ang inorder na food ni Jason.

“Sa sarap, wala kang maipipintas. Sa presyo ka tiyak na magugulat!” nakatawang sagot ng binata.

“Sana ay sa mumurahing restoran na lang tayo kumain,” sabi ni Sally.

“Lagi na tayong sa ganoong lugar kumakain. Sa ganitong place naman para maiba,” sagot naman ni Jason.

Nagsimula silang kumain.

Busog na busog ang dalawa.

Panay ang himas ni Sally sa kanyang tiyan.

Umorder ng wine si Jason at uminom muna sila ni Sally para madaling matunawan.

Makalipas ang ilang minuto, nagyaya na ang babae na umalis.

Kailangan na nilang umuwi para magpahinga.

May pasok pa sila bukas.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang papauwi.

“Ang sarap palang kumain sa Kiki Restaurant!” sabi ni Sally.

Ngumisi si Jason.

Ang sama ng tingin ng babae.

Hindi niya gusto ang ngisi ng lalaki.

“Ano naman ang inginingisi mo riyan? Para sinabi ko lang na masarap kumain sa Kiki Restaurant!” nakairap na sabi ni Sally.

“Kasi meron pang mas masarap diyan. Kahit palagi kong kinakain, hindi nakakasawa!” sagot ng binata.

“Bastos ka!” sabi ni Sally.

“Nagsasabi lang ako nang totoo. Mas masarap iyon kaysa mga food sa Kiki Restaurant,” tumatawang sagot ni Jason.

Inis na kinurot ng babae sa tagilirian ang lalaki.

“A-Ano ba, Sally! Tumigil ka! Baka mabangga tayo!” panay ang iwas na sabi ni Jason. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply