KAPRITSO NG LAMAN (Ika-47 na labas)

NANG magpaese-ese ang takbo ng kotse, saka lamang tumigil si Sally sa pagkurot
sa tagiliran ni Jason.

Tigas na irap ng babae sa binata.

“Kumain ka na sa Kiki Restaurant, tapos pagdating sa bahay kiki pa rin ang laman ng isipan mo,” namumula ang mga pisnging sabi ni Sally.

“Sarap, e!” tumatawang sagot naman ni Jason.

“Tumigil ka na! Naiinis na ako sa iyo!” banta ng babae.

Tumigil naman ang binata.

Inasikaso ang pagmamaneho.

Pero manaka-naka ay tinatapunan ng sulyap ang katabi.

“Ang ganda mo talaga!” sabi niya. “Alam mo, kapag dumating na ang oras na maghihiwalay na tayo, iiyak siguro ako!”

Biglang nag-iba ang timpla ng babae. Naantig ang kanyang kalooban sa sinabi ni Jason.

“Sino ba’ng hindi? Napamahal ka na rin sa akin, e!” nag-uulap ang mukhang sagot naman ni Sally.

Dito na naputol ang kanilang usapan.

Naging madrama na ang sumunod na mga tagpo.

Parehong gustong mangilid ng luha sa kanilang mga mata.

Hanggang sa makarating sila sa condo na kanilang tinutuluyan.

Makaraang iparada ni Jason ang kotse sa carpark, magkayakap silang sumakay sa elevator patungo sa floor na kinaroroonan ng kanilang unit.

Kapwa pagod kaya gusto na nilang magpahinga.

May pasok na sila bukas kaya kailangang gumising sila nang maaga.

Hindi sanay matulog si Sally nang hindi naliligo kaya saglit siyang pumasok sa banyo at nag-shower.

Lumabas lang siya sa banyo nang fresh na fresh na ang pakiramdam.

Saglit siyang nagpatuyo ng buhok bago tumabi kay Jason.

Gising pa ang binata …

Walang kurap na nakatingin sa kisame.

“Ano ba ang iniisip mo?” tanong ni Sally sabay unan sa bisig ng lalaki.

“Ang pinanggalingan natin. Sa Kiki Restaurant … hindi ba ang sarap kumain doon?” sagot ni Jason.

“Nagpaparinig ka ba?” nakangiting tanong ng babae.

“Kung ayaw mo naman, ano ang magagawa ko?” sagot ng lalaki.

“Ang arte mo naman! Alam mo namang hindi kita puwedeng pahindian. Basta’t gusto mo, gusto ko na rin!” sabi ng babae.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Jason dahil sa kanyang sinabi.

Masayang binalingan si Sally.

“P-Puwede?”

“Basta ikaw! Pero huwag matagal, ha! Baka mapuyat tayo!” sabi ng babae.

“Magpapaantok lang tayo,” sagot naman ni Jason saka marahang isinuot ang isang kamay sa nighties ni Sally.

Hinila pababa ang panty ng babae…

Marahang pinaghiwalay ang bilugang mga hita nito …

Saglit na hinagod ng tingin ni Jason ang paborito niya.

“Sarap nito! Para na naman akong nasa Kiki Restaurant nito!” palatak ng binata.

“Puwede bang huwag ka nang magsalita. Kumain ka na lang hangga’t gusto mo,” inis na sabi ni Sally.

Hindi na nagsalita si Jason.

“Don’t speak while the mouth is full,” sabi nga sa kasabihan.

Kaya walang maririnig kundi ang pagngasab ng binata. Inis na inis si Sally.

“Kung bakit naman kasi pinatutunog pa,” inis niyang sabi.

Wala nang narinig pa ang babae kundi ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.

Magaling magpainit si Jason …

Saglit lang at darang na darang na ang pakiramdam ni Sally …

Parang maiiheng hindi naman.

“J-Jason,” daing ng babae habang mariing nakadakot ang mga kamay sa ulo nito.

Hindi nagsasalita ang binata …

Todo ang konsentrasyon sa kanyang ginagawa.

Maya-maya lang, parang kotse na nawalan ng preno ang pakiramdam ni Sally.

Sasabog na siya … hindi na maiiwasan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply