KAPRITSO NG LAMAN (Ika-50 na labas)

PUMASOK na sina Jude at Tina sa sinehan ng napiling palabas na gustong panoorin.

Sa balcony sila pumuwesto. Maraming pareha ang nakita nila sa dilim …

Hindi panonood ng palabas ang inaatupag …

Tukaan nang tukaan at kapaan nang kapaan.

Natatawang nagkatinginan ang dalawa.

“Kakainggit naman sila,” sabi ni Jude sa dalaga.

“E, di tumuka ka rin at tutukain naman kita,” sagot naman ni Tina.

“Ano tayo, ibon?” natatawang sagot naman ng lalaki.

Magkayakap na hinarap na nila ang palabas.

Pero hindi nila maintindihan ang pinanonood.

Maya-maya’y muli silang nagkatinginan.

Hindi na sila nag-usap pa…

Nalaman na lang nila na ginagaya nila ang mga ginagawa ng mga pareha sa dilim.

Halikan…

Kapaan…

Hanggang sa maramdaman nilang pareho na silang nag-iinit.

“Sana ay hindi na lang tayo nanood ng sine. Sa bahay na lang sana tayo. Para ‘pag sinumpong tayo ng tawag ng pangangailangan, tsuktsakan kaagad,” sabi ni Jude sa babae.

“Ang bastos naman ng dayalog mo!” sabi ni Tina.

“Pero masarap!” nakangisngis namang tugon ng lalaki.

May ilang saglit ding namagitan sa kanila ang katahimikan.

“Umuwi na nga tayo,” sabi ng babae. “Doon na lang tayo sa house mo.”

“Hindi ka na rin nakatiis!” sabi ni Jude.

“Gusto lang kitang pagbigyan para hindi ka mabitin,” sagot ni Tina.

“Ayaw mo pang aminin na gusto mo na rin!” tumatawang sabi ni Jude.

“Tara na nga!” sabi ng babae at nauna nang tumayo.

Ilang saglit pa at palabas na sila ng sinehan.

Diretso palabas ng mall hanggang sa makarating sa carpark.

Ilang saglit pa at magkaangkas na lulan na sila ng motorsiklo ni Jude.

Hindi naman sila makikilala dahil parehong naka-helmet.

Umuwi na sila.

Nang makapasok sa bahay, karakang isinara at ikinandado ng lalaki ang pintuan.

Matapos ito, mabilis niyang niyakap si Tina.

Sabik na kinuyumos ng halik ang mga labi.

Saglit na lumaban ng lapangan ng halik ang babae pero nang maramdamang nanggigigil na si Jude ay marahan itong itinulak palayo.

“Sandali lang! Maliligo muna ako. Na-expose tayo sa alikabok kanina. Makakain mo ang duming kumapit sa katawan ko!” sabi ng babae.

“O-Okey lang iyon! Huwag ka nang maligo,” atat na sabi ng lalaki.

“Tumigil ka nga riyan!” sagot naman ng babae at humangos na patungo sa banyo.

Naiwan si Jude na nakaupo sa salas.

Pasiga-sigarilyo habang hinihintay na lumabas ng banyo si Tina.

Sa puntong ito niya naisip ang asawang si Sally.

Marahil ay tulog ito sa mga sandaling iyon.

Pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho.

Bigla tuloy siyang nakonsensiya.

Nagpapakahirap ang asawa na magtrabaho pero siya naman ay nagpapakaligaya sa kandungan ng bestfriend ni Sally.

Napailing-iling siya.

Pero maya-maya’y biglang napaunat ang lalaki.

Paano kung mali ang kanyang iniisip?

Hindi niya nakikita ang asawa …

Paano kung may lalaki siya sa Taipei at magkasama sila ngayon sa kuwarto?

Tulad niya ay nagpapakasawa rin sa kaligayahan sa piling ng iba.

Bigla siyang dinakot ng selos.

Nasa gayun siyang ayos nang biglang lumabas ng banyo si Tina. Bagong paligo na at nakatapis lang ng tuwalya.

“I’m ready na. Pero maligo ka rin muna para hindi ko makain ang alikabok na kumapit sa katawan mo,” sabi ng babae.

Nang mapuna niyang parang nakasimangot si Jude.

“Parang galit ka? Masama ba ang loob mo dahil hindi kaagad kita napagbigyan?” tanong ng babae. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply