KAPRITSO NG LAMAN (Ika-57 labas)

TAHIMIK na nagmaneho si Jason.

Nakikiramdam…

Gusto niyang magpaalam sa kanya si Sally tungkol sa pakikipagkita nito kay Edward.

Sapat na sa kanya iyon…

Hindi siya sasama…

Alam naman niya na ang pag-uusapan nila ay tungkol sa pag-uwi ng lalaki sa Pinas at ang posibleng pagkikita nila ng asawa ni Sally na pinsan niya.

Pero mukhang mabibigo siya.

Ayaw magsalita ng babae.

Pero maya-maya’y biglang napaangat ang kanyang ulo nang magsalita na si Sally.

“Bukas, may lakad ako at gusto ko sanang magpaalam sa iyo. Hindi kasi kita maisasama,” simula ng kasuyo.

Napatingin si Jason kay Sally. Hinintay ang kasunod nitong sasabihin.

“May importante kasing lalakarin bukas si Janet at nagpapasama siya sa akin,” sabi ng babae.

Gustong malungkot ni Jason sa sinabi ni Sally pero pilit pa rin siyang ngumiti.

“Sige! Mag-iingat lang kayo,” nakangiting sagot ng binata.

“Thanks!” masayang sagot naman ng babae saka hinalikan sa pisngi ang lalaki.

Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Jason …

Hanggang sa makarating sila sa condo unit na tinutuluyan.

Nagluto ng hapunan si Sally …

Tamilmil sa pagkain si Jason.

“Bakit parang wala kang gana? Hindi mo ba type ang niluto kong ulam?” tanong ng babae sa lalaki.

“No! Parang busog lang ako. Napasarap kasi ako sa miryenda kanina,” sagot ng binata.

“Naku! Paano ka makakapag-araro niyan kung ganyan ka?” nakangiting biro ni Sally.

Napangiti na rin ang binata.

“Baka mag-absent muna ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang mabigat ang katawan ko,” aniya.

“Ima-massage kita mamaya!” sabi ni Sally.

“Mabuti pa!” sagot naman ni Jason.

Makaraang maghapunan, umakyat na sa itaas ang binata habang nagliligpit naman ng pinagkainan ang babae.

Nahiga na sa kama si Jason.

Nanghina ang lalaki dahil sa paglilihim sa kanya ni Sally.

Makalipas naman ang ilang minuto, pumasok na sa kuwarto ang kasuyo.

Kumuha ito ng baby oil bago sumampa sa kama.

“Dapa at ima-massage kita,” sabi ng babae.

Sunod naman si Jason …

Pinahiran muna ni Sally ng baby oil ang likod ng lalaki bago sinimulang imasahe.

Masarap magmasahe ang babae …

Malambot ang mga daliri pero mariin kung humagod …

Nakaramdam ng ginhawa si Jason …

Maya-maya’y pinatihaya siya ni Sally at ang matipuno naman niyang dibdib ang minasahe ng babae.

Dito na nakatulog si Jason.

Pinabayaan siya ni Sal-ly…

Hindi na kinulit hinggil sa kanilang usapan ngayong gabi.

Nahiga na rin ang babae at natulog sa kanyang tabi.

Umaga. Araw iyon na walang pasok.

Nagpatanghali na ng gising si Jason.

Maaga pa ring gumising si Sally at nagluto ng almusal.

Damay na ang pananghalian ng kasuyo dahil aalis siya.

Tamad bumangon ng binata nang gisingin ng babae.

Mamaya na raw siya kakain.

Naligo na si Sally para humanda sa pag-alis.

Ilang saglit pa at nakabihis na siya.

Hinalikan niya sa pisngi ang tulog na kasuyo bago siya umalis.

Habol ng paalala ni Jason si Sally habang papaalis.

“Mag-iingat kayo ni Janet, ha! Tawag ka lang sa akin kung magkakaproblema kayo,” sabi ng binata.

“Huwag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari sa amin,” nakangiting sagot naman ng babae. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply