KAPRITSO NG LAMAN (Ika-60 labas)

WALANG kamatayan ang pananabik sa isat’ isa nina Jason at Sally. Parang kanin na hindi pinagsasawaang kainin. Kaya gustong umusok sa init ng kanilang mga katawan nang muling magsanib. At muli ay parang nililindol na naman ang kanilang kama.

Habang bumabayo ang binata ay panay ang uga. Sumasabay sa bawat pag-indayog ng binata.

Walang pagtutol sa reaksiyon ni Sally. Hahayaan niyang magsawa si Jason …

Hangga’t gusto niya, bahala siya. Kahit pa magkandagasgas siya.

Sa mga sandaling iyon, hindi pa rin umaalis si Edward sa otel na kinaroroonan.

Naglalasing …

Napahiya siya sa ginawang pagtanggi ni Sally sa gusto niyang mangyari.

At gusto niyang lunurin ang sama ng loob sa ispiritu ng alak.

Galit ang lalaki …

Parang hinamon siya ni Sally.

Kaya pagbalik niya ng Pilipinas, isusumbong niya sa pinsang si Jude ang kalokohang ginagawa ng asawa nito sa Taipei.

Sa mga sandaling iyon, parang ayaw na ring maghiwalay nina Jude at Tina.

Madalas silang magkasama sa araw at nagkakahiwalay lamang kapag dumating na ang gabi.

Kapag nagsawang mag-seks, ginugugol ang kanilang oras sa pamamasyal.

Gaya ngayon, nasa Manila Ocean Park ang dalawa at dito nagpapalipas ng oras.

May proposal na inihain ang lalaki sa babae habang magkayakap na nakatayo sila sa tabi ng giant aquarium.

Pinapanood ang sari-saring lamang dagat na naglalanguyan sa loob.

“Magsama na tayo,” sabi ng una kay Tina.

Gulat na napatingin ang babae sa lalaki.

“Sigurado ka?” tanong ng una kay Jude.

Tumango ang lalaki.

Umiling si Tina.

“Tama na muna ang ganito tayo. Nakakahiya kay Sally. Baka isipin niya na porke wala siya rito, inahas kita sa kanya. Isa pa, hindi magiging maganda ang tingin sa atin ng mga tao. Iisipin nila na pinagtataksilan natin ang asawa mo,” sabi ng babae.

Hindi umimik si Jude.

“Sa akin ay walang mawawala dahil talagang hiniwalayan na ako ng asawa ko. Pero sa iyo, marami ang magagalit. Papangit ang tingin nila sa iyo dahil habang nagpapakahirap sa ibang bansa ang misis mo, nagloloko ka naman dito. Kung sakaling magbago ang ihip ng hangin at magkahiwalay kayo ni Sally, saka na natin ituloy ang plano. At least, safe na tayo,” patuloy naman ni Tina.

Malalim na humugot ng buntong hininga si Jude.

Maya-maya’y binalingan ang babae.

“Sigurado ka ba na walang ginagawang masama sa ibang bansa ang misis ko?” tanong ng lalaki.

“Wala akong alam,” may kasamang iling na sagot naman ni Tina.

Ayaw niyang sa kanyang bibig magmula na naglalaro ng apoy ang kaibigan sa Taipei.

Nang magsawa sila sa pamamasyal, lumabas na sila ng Manila Ocean Park.

Naghanap ng makakainan.

Nagkuwento si Jude habang kumakain sila ni Tina sa branch ng isang malaking food chain.

“Bukas, may darating akong pinsan na nagtatrabaho sa Taiwan,” aniya.

“Sino?” tanong ni Tina.

“Si Edward!”

“Hindi ko alam na may pinsan ka palang nagtatrabaho sa Taiwan,” sabi ng babae.

“Matagal na siya roon. Nagkita raw sila roon ni Sally at may mahalaga raw siyang ikukuwento sa akin tungkol sa asawa ko sa pagkikita naming dalawa,” sagot ni Jude.

“A-Ano’ng kuwento?” sabik na tanong ni Tina.

“Hindi ko alam! Pero sana’y hindi ito ang magiging dahilan para sumama ang loob ko,” sagot ng lalaki.

“Pinaghihinalaan mo talaga ang misis mo na may masamang ginagawa, ano! Pero alam ko, selos lang iyan!” sabi ng babae.

Hindi umimik si Jude.

“Kung sakali, pareho lang naman kayo. Nagloloko ka rin naman dito sa Pilipinas,” pabirong dugtong ni Tina.

Biglang napatingin sa kanya si Jude. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply