KAPRITSO NG LAMAN (Ika-64 labas)

TINABIHAN ni Sally sa kinauupuan si Jason.

Tuloy ang pag-inom ng lalaki …

Nang matungga ang laman ng hawak na baso, muling nagsalin.

Inagaw ni Sally ang baso at siya ang uminom ng laman nito.

Nagkatinginan ang dalawa.

“Bakit ka naglalasing?” tanong ng babae.

“Wala lang. Parang bigla akong nalungkot kaya naisipan kong uminom,” sagot naman ng binata.

Hindi pinansin ng babae ang sinabi ng lalaki.

“Nagseselos ka ba sa asawa ko?” tanong ni Sally.

Hindi umimik si Jason.

“Alam mo, kung tutuusin ay mas masuwerte ka kaysa kay Jude. Araw-araw ay magkasama tayo sa bahay. Anytime na kailangan mo ako, lagi akong handa na ipagkaloob sa iyo ang gusto mo. Pero ‘yung tunay na nagmamay-ari sa akin, nagtitiis ng lungkot.

Pinapangarap na lang ang mga ginagawa namin bilang mag-asawa,” patuloy ni Sally.

Muli ay hindi nagsalita si Jason. Nagtungo ng ulo.

Tanggap niya ang sinabi ni Sally.

“Kung bakit kinakausap ko ng maganda si Jude, ayokong malungkot siya. Dahil wala ako, ayokong mawalan siya ng pag-asa sa buhay. Hindi mo ba naiintindihan ang kalagayan ng isang lalaki na malayo sa asawa?” dugtong ng babae.

Marahang nag-angat ng ulo.

“Hindi ako nagseselos sa asawa mo. Nalulungkot ako para sa sarili ko. Naiisip ko kasi na ngayon lang ako magiging masaya. Habang kasama kita. Pero paano kapag tapos na ang kontrata mo at kailangan mo nang umuwi. Paano na ako?” sabi ni Jason.

Si Sally naman ang hindi nakapagsalita.

Naiintindihan niya ang nararamdaman ng binata.

Wala siyang masabi.

“Hindi natin hawak ang buhay natin at kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Huwag nating pangunahan. Hayaan na lang nating ang kapalaran ang magdikta kung ano ang magaganap sa hinaharap,” ang tanging nasabi ni Sally.

Hindi kumibo si Jason …

Muling nagsalin ng alak sa baso …

Pero muli itong inagaw ni Sally at siya ang uminom.

“Kapag hindi ka tumigil, maglasingan na lang tayo,” sabi ng babae.

Sa puntong ito biglang tinakpan ni Jason ang bote ng alak.

Nauna siyang tumayo.

“Matulog na tayo,” sabi ng binata.

“Tinatamad akong lumakad, e!” maktol ng babae.

“Ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ni Jason.

“Kargahin mo ako!” naglalambing na sabi ni Sally.

Masuyong binuhat ng binata ang babae.

“Babayaran mo ang pagpapabuhat mo sa akin!” sabi ng lalaki.

“Kung pera ang gusto mong ibayad ko sa iyo, wala akong ibabayad,” sagot ni Sally.

“Hindi naman pera ang gusto kong ibayad mo sa akin, e!”

“Ano?”

“Laman!”

Malakas na natawa ang babae.

“Bahala kang maubusan ng lakas!” maya-maya’y sagot ni Sally.

Hindi na sumagot si Jason. Hangos nang ipinasok ang babae sa kanilang kuwarto.

Sa mga sandaling iyon, naubos na ang beer na iniinom nina Edward at Jude.

Hindi na siya nagpabili pa.

“Tama na ito, pinsan. Palagay ko’y may dapat kayong ayusin ni Tina. Aalis na ako para makapag-usap kayo,” sabi ng una.

Inihatid ni Jude sa pintuan si Edward.

“Salamat sa pagdalaw mo, pinsan. Magkita ulit tayo minsan,” sabi ng una.

“Ikaw naman ang pumunta sa bahay. Marami tayong dapat na pag-usapan,” sagot naman ng huli.

Nang umalis na si Edward, binalikan ni Jude si Tina na walang imik na nakaupo sa salas.

Nakasandig ang ulo niya sa sofa.

Nakapikit pero hindi naman nalasing sa ininom na beer. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply